Pagpatay sa isang Judge sa Bulacan, kinondena ng Malacanang

by Radyo La Verdad | November 12, 2015 (Thursday) | 1737

JERICO_COLOMA
Mariing kinondena ng Malacanang ang pagkakapaslang kay Judge Wilfredo Nieves ng Bulacan Regional Trial Court.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ginagawa ng pamahalaan ang lahat para sa ikadadakip ng mga suspek.

Ani Coloma, si Nieves ang lumitis sa mga high profile kidnapping case na nagresulta sa pagkakadakip ng ilang kilabot na carnappers sa Bulacan.

Dahil dito, ipinaubaya naman ng Malacanang sa Supreme Court ang panukalang pagpapahintulot sa mga judge na magdala ng baril.

Sila aniya ang nasa posisyon para tukuyin kung ano ang makakabuti sa kanilang trabaho.

Dagdag pa ni Coloma, ang gobyerno sa pamamagitan ng mga security agency ay nakahandang makipagtulungan para matiyak ang seguridad ng mga court official.

Si Nieves ay pinagbabaril ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay ng Motorsiklo sa Malolos Bulacan habang sakay ng kaniyang SUV patungong Maynila kahapon. (Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,