Naniniwala ang isang mambabatas na hindi dapat madaliin ang pagpasa ng Trabaho Bill o ang Tax Reform for Attracting Better and High Quality Opportunites Bill kung marami ang mawawalan ng trabaho dahil dito.
Ayon kay Senate Committee on Labor Employment and Human Resources Development Chairman Senator Joel Villanueva sa pagdinig ng Senado sa Trabaho Bill, aminado ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maaring mawalan ng trabaho ang maraming manggagawa sa industry and service sector dahil sa second tax reform package ng pamahalaan.
Batay sa pag-aaral ng DOLE, umabot na sa tatlumpung libo ang nawalang trabaho sa industry and services sectors sa unang quarter ngayong taon.
Ayon naman sa Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines Foundation, kapag naipasa ang Trabaho Bill, lalo na ang bersyon sa Kamara, mapipilitan umano silang tanggalin ang may 140 libong manggagawa.
Ayon naman sa DOLE, patuloy pa nilang pinag-aaralan ang magiging epekto ng Trabaho Bill katuwang ang Department of Finance.
Tags: Sen. Villanueva, TRABAHO bill, unemployment