Muling tinukoy ng Malacañang ang ginagawang mga hakbang ng pamahalaan para malutas ang problema sa trapiko sa Kamaynilaan.
Kasunod ito ng pahayag ni John Forbes, Senior Advisor ng American Chamber of Commerce in the Philippines, na kapag hindi ito masosolusyunan ay magiging uninhabitable o mahirap nang tirhan ang Metro Manila sa loob ng apat na taon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Colona Jr., determinado ang pamahalaan na tumugon sa mga pangangailangan ng mga residente at naghahanapbuhay sa National Capital Region at kalapit na rehiyon.
Noon pa aniyang June 2014 ay patuloy nang ipinapatupad ng pamahalaan ang Mega Manila Dream Plan o Roadmap for Transport Infrastructure Development for Metro Manila at mga katabing lugar kabilang ang Calabarzon at Central Luzon.
Kabilang sa limang layunin nito na rekomendasyon ng Japan International Cooperation Agency o JICA ay ang No traffic congestion at No households living in hazardous conditions.
(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)
Tags: lulutas, Malacañang, Mega Manila Dream Plan, traffic congestion