Pagpapatupad ng mandatory immunization program sa bansa, hiniling ng DOH

by Erika Endraca | July 10, 2019 (Wednesday) | 2819

MANILA, Philippines – Bumagsak ng 30% ang immunization coverage ng bansa noong nakaraang taon dahil sa dengvaxia scare.

Kaya naman mas pinai-igting ngayon ng Department of Health  (DOH) ang kanilang immunization program upang mapalawak ang naabot ng programa.

Kabilang dito ang pagpapatupad ng school- based at community-based na pagbabakuna. Nguni’t ayon sa doh, mas mapo- protektahan ang publiko kontra sakit kung mababakunahan ang lahat.

At mangyayari iyon kung magpapatupad ng mandatory immunization sa bansa. Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III, sakaling magkaroon ng mandatory immunization program, ang ibibigay lamang ay mga bakuna na subok na tulad ng bakuna kontra Tigdas, Polio, Diptheria, Tuberculosis at Human Papillomavirus (HB).

Kaya apela ng mga ito sa mga mambabatas, magpasa ng panukala ukol dito.

“I think we can push for that but like most other pieces of legislation this has to undergo broad and deep consultations.” ani DOH Secretary Francisco Duque III.

Naniniwala naman si Valenzuela Representative Wes Gachalian na mahalaga ang naturang panukala upang maiwasan ang outbreak ng mga sakit sa bansa.

“It’s a seperate legislation. Hindi itong pwedeng isingit na lang sa irr, isang bagay na hindi na lang natin pwedend ipasok na lang sa bibig ng mga magulang for them to accept” ani Valenzuela City Representative  Wes Gachalian.

Samantala, patuloy na nag-iikot ang doh sa malalaking pampublikong paaralan sa bansa upang magbibigay ng bakuna kontra sa iba’t ibang sakit. Panawagan ng doh, tangkilin ang mga bakunang subok na upang maagapan ang mga outbreak ng sakit sa bansa.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: ,