Pagpapatupad ng “GCQ with heightened restrictions”, epektibo sa pagbaba ng kaso sa NCR Plus areas – DOH

by Erika Endraca | June 14, 2021 (Monday) | 2215

METRO MANILA – Tatagal na lang hanggang Martes, June 15 ang “General Community Quarantine with Heightened Restrictions” sa Metro Manila, Bulacan , Cavite, Rizal, Bulacan,Cavite, Laguna at Rizal o ang NCR Plus areas.

Mag- iisang buwan na rin simula nang ito ay ipatupad ng pamahalaan.

Sa restriction na ito, essential travel at limitado lang din ang capacity na pinapayagan sa transportasyon, indoor dine- in services, outdoor tourist attractions, religious at neurological gatherings.

Non- contact sports lamang ang pwede.

Habang 30% capacity sa personal care services gaya ng salon at beauty parlor.

Nguni’t hindi pinapayagan dito ang pagbubukas ng entertainment venues gaya ng bar, concert halls, amusement parks at indoor venus ng iba’t ibang aktibidad

Ayon sa Department of Health naging epektibo ang pagpapatupad ng GCQ with heightened restrictions para mapababa ang kaso sa NCR PLUS Area

“Nakita ho natin na talagang iyong peak natin from March and April, talagang patuloy pong bumababa ang mga kaso ngayon po sa ating NCR, ang atin pong average daily recorded cases ay isanlibo na lang po compared noong tumataas ang mga kaso na apat hanggang limanlibo per day tayo. Nakita rin ho natin na na-decongest natin ang mga ospital” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vegeire .

Nakatutok din ngayon ang doh sa labas ng NCR gaya sa Visayas at mindanao region na patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases

“Nakakakita po tayo nang pagtaas ng mga kaso, nakakakita ho tayo ng mga pagkapuno ng ating mga ospital. So iyan po iyong ating binibigyang-tugon ngayon para po ma-manage po natin at patuloy ring bumaba ang mga kaso dito sa ibang lugar” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vegeire .

Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na kahit pababa na ang kaso sa NCR Plus areas, hindi pa rin dapat pakampante dahil may hawaan pa rin ng iba’t ibang COVID-19 variants sa Pilipinas.

“If the other regions are having this kind of increase in the number of cases, we have to treat this matter with caution kasi very fragile ang sitwasyon natin at maaring bumalik tayo uli sa dati kung hindi po tayo lahat mag-iingat” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vegeire.

Pinag- aaralan pa aniya ng Interagency Task Force on Emerging Infectious Diseases kung ilalagay na sa normal GCQ ang NCR Plus bubble pagkatapos ng June 15.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,