Pinabulaanan ng Malacanang ang alegasyon na may mga tindahang ipapasara ang pamahalaan sa mga lugar na maapektuhan ng APEC Summit partikular sa Roxas Blvd sa Maynila sa susunod na linggo.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang instruksiyon ang gobyerno para ipasara ang mga maliliit na negosyo sa Maynila.
Pinabulaanan din nito ang pagbibigay ng assistance kapalit ng pagsasara ng naturang mga tindahan.
Ani Valte, idineklara ng pamahalaan na walang pasok sa opisina ng gobyerno sa NCR mula Nov. 17 to 20 habang wala namang pasok sa mga pribadong sektor mula Nov 18 to 19 subalit hindi naman ito aniya nangangahulugan na magsasara na rin ang mga maliliit na tindahan sa panahon ng APEC.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)
Tags: APEC Summit, linggo, Malacañang, Maynila, Roxas Blvd