Pagpaparehistro ng mga Online Seller, pinalawig ng BIR hanggang sa September 30

by Erika Endraca | September 3, 2020 (Thursday) | 4784

METRO MANILA – Pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpaparehistro ng mga online selling business hanggang sa September 30.

Sa isang memorandum order na inilabas ng BIR, ini-exented ng ahensya ang registration hanggang sa katapusan ng buwan bilang konsiderasyon sa mga naapektuhan ng quarantine restriction.

Nauna nang ipinagutos ng BIR na obligadong magparehistro ang lahat ng online sellers na kumikita ng hindi bababa P250,000 subalit exempted ang mga ito sa pagbabayad ng buwis.

Nagbabala naman ang ahensya na kanilang hahabulin ang mga online seller na hindi magbabayad ng karampatang buwis sa gobyerno.

Tags: ,