Mas maraming malls, lalahok na sa “register anywhere” program ng Comelec

by Radyo La Verdad | February 9, 2024 (Friday) | 4547

METRO MANILA – Mas maraming malls na ang makikilahok sa “Register Anywhere” ng Commission on Elections (COMELEC).

Sa ngayon. tinatayang nasa 170 na ang ka-partner ng Comelec para dito kasunod ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) sa ilang mall kahapon (Feb. 9).

Samantala, nagpapaala ang komisyon na may kahaharaping parusa ang sinomang matutuklasang may double o triple register.

Noong nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay mayroon mahigit 400,000 double o multiple registrants.

Tags: , ,