Pagpapanatili ng sapat na Rice Buffer Stock, tinalakay ng pamahalaan

by Radyo La Verdad | August 29, 2022 (Monday) | 7268

METRO MANILA – Nagkaroon ng pagpupulong nitong Martes (August 23) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang kaniyang economic team at mga opisyales ng National Food Authority (NFA) upang pag-usapan kung papaano mapananatili ang sapat na supply ng bigas sa bansa.

Ipinag-utos ni PBBM ang pagpapalakas ng produksyon ng bigas, mais, gulay, baboy, manok at bigyan ng pagsusuri ang Rice Tarification Law maging ang naging epekto nito sa ating mga magsasaka.

Naglaan ang pamahalaan ng P12-B sa NFA Buffer Stocking Program upang makakuha ng P631.579-M Metric Tons (MT) ng palay para sa local farmers at naglaan din ng P670-B upang makabili ng mataas na kalidad na mga binhi ng palay at mais para sa seed buffer stocking sa ilalim ng DA.

Ayon kay PBBM, nagtaas ang kaniyang administrasyon ng probisyon para sa buffer stock capacity; mula 9 araw ay naging 15 araw na ito sa ilalim ng proposed P5.268-T national budget para sa taong 2023.

Dagdag pa niya na sisisguraduhin nitong may sapat na supply ng mga binhing magagamit sa oras ng kalamidad at emergency na nakaaapekto sa produksyon ng bigas at mais.

(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)

Tags: ,