Nirerespeto ng Malacañang ang hakbang ng gobyerno ng Australia sa pagpapalipad ng military plane nito sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., karapatan aniya ng Australia bilang sovereign state ang isinagawang hakbang dahil kabilang aniya ang naturang bansa sa stakeholder sa isyu sa territorial dispute.
Isa rin aniya ang Australia sa mga bansang nagsusulong ng freedom of navigation sa West Philippine Sea.
“Well, from what we know Australia shares our concern regarding the importance of maintaining Freedom of Navigation in the West Philippine Sea or South China Sea and Australia is a stakeholder in this issue. If they have decided on certain courses of action, then that is something that is well within their right as a sovereign state.” pahayag ni Coloma.
Katunayan aniya, sa nakaraang sa ASEAN East Asia Summit kung saan kabilang ang Australia, sumangayon ito na kailangang ipatupad ang prinsipyo ng malayang paglalayag at paglipad sa disputed areas at gayundin sa isang mapayapang paraan upang maresolba ang agawan sa teritoryo.
Kahapon ay napaulat ang pagpapalipad ng Royal Australian Air Force Patrol plane sa himpapawid ng West Philippine Sea bilang bahagi ng pagpapatrolya ng nasabing bansa.
(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)
Tags: Australia, Malacañang, military plane, West Philippine Sea