Pagpapalakas sa sektor ng agri, energy, infra, trade & investment, sadya ni PBBM sa China

by Radyo La Verdad | January 4, 2023 (Wednesday) | 44023

METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isusulong niya ang strategic cooperation sa pagitan ng Pilipinas at China sa kaniyang 3-day state visit.

Partikular na pagdating sa usaping agrikultura, imprastraktura, kalakalan at pamumuhunan.

Ito aniya ang kaniyang tatalakayin sa kaniyang pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jingping.

Bagamat hindi tinukoy ni Pangulong Marcos Jr. ang isyu sa West Philippine sea, umaasa siya na matatalakay ang usaping pang seguridad na kinakaharap ng 2 bansa.

Ayon kay PBBM, mahigit 10 bilateral agreements ang inaasahang malalagdaan ng Pilipinas at China.

Bukod sa pamumuhunan, isusulong rin ni Pangulong Marcos Jr. ang turismo sa Pilipinas.

Habang nasa state visit ang pangulo, magsisilbing caretaker ng bansa si Vice President Sara Duterte.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,