Pagpapalakas sa maritime industry ng bansa, ipinanawagan ni PBBM                        

by Radyo La Verdad | June 27, 2023 (Tuesday) | 1197

Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga ahensya ng pamahalaaan at stakeholder ng pagtutulungan upang mapalakas ang maritime industry sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa Seafarer Summit sa Pasay City nitong Lunes, June 26, binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor upang mapaunlad ang shipping at seafaring industry.

Nangako rin si PBBM na gagawin ng kaniyang administrasyon  ang papel nito upang makapaglatag ng mga polisiya na makapagpapalakas ng industriya.

Noong Marso  inanunsyo ng EMSA na patuloy nilang kikilalanin ang certificates na ibinibigay ng Pilipinas sa mga marino.

Sa pagtaya naman sa Department of Migrant Workers (DMW), posibleng bumalik na sa pre-pandemic level ang mga marino na maidedeploy.

Batay sa datos ng kagawaran, umabot sa 505,769 ang naipadalang Filipino seafares noong 2019 bago nagkapandemya,

489,852 naman ang nadeploy na marino noong 2022 at 149,126 ang naitalang bilang noong unang tatlong buwan ng 2023.

Tags: ,