Sa ikalawang SONA ng pangulo muli nitong tiniyak na magpapatuloy ang matinding laban ng pamahalaan upang masugpo ang iligal na droga at kriminalidad, sa kabila ng pambabatikos dito ng international community.
Subalit para sa political analyst na si Edmund Tayao, kinakailangan na may kaakibat ding plano ang gobyerno, sa pagpapalakas ng pagpapatupad ng batas at public institution sa bansa.
Gaya na lamang aniya ng makaluma pa ring sistema sa pag-aksyon sa mga krimen at ang mabagal na pagusad ng mga kaso sa korte.
Aniya isang paraan din ito upang maiwasan na maiugnay pa ang pangulo sa isyu ng extra judicial killings.
Bukod pa rito, dapat din aniyang matugunan ang problema sa kakulangan ng mga naka-deploy na pulis partikular na sa mga probinsya upang masupil ang mga krimen.
Una nang ipinahayag ng pangulo na sa ngayon bumubuo na ang pamahalaan ng mga programa upang matulungan ang tropa ng pamahalaan na handang magbuwis ng kanilang buhay alang-alang sa kapakanan ng bayan.
(Joan Nano / UNTV Correspondent)
Tags: Edmund Tayao, law enforcement, SONA