Pagpapaikli sa 3 buwan ng interval sa pagtanggap ng COVID-19 vaccine booster shot, inaprubahan na ng FDA

by Radyo La Verdad | December 22, 2021 (Wednesday) | 1748

METRO MANILA – Umaasa si Department of Health Secretary Francisco Duque III na mas mapabibilis na ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) and pagpapaikli sa pagtanggap ng booster shots sa 3 buwan mula sa 6 na buwan.

“Ngayong araw pinirmahan na ng FDA ang panibagong amendment dun sa Emergency Use Authorization ng mga bakuna, mr president yung 6 months interval between the 2nd dose and booster dose pinaikli na po ito for 3 months na lang so mas mapabilis na tayong makapagbigay ng booster doses gamit ang ating mga bakuna” ani DOH Sec. Francisco Duque III.

Aplikable ang booster shots sa lahat ng 18 taong gulang pataas na nakatanggap na ng kanilang second dose ng AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac at Sputnik vaccine.

Maaari namang magpaturok na ng booster dose ang mga nabakunahan ng single dose ng Janssen pagkatapos ng 2 buwan .

Binigyang diin ng DOH na wala pang rekomendasyon ang pagbibigay ng booster doses sa mga 12 hanggang 17 years old.

Sinagot naman ni Duque ang tanong ni Pangulong Duterte ukol sa kung gaano ba kapektibo ang booster shots laban sa Omicron variant.

“I think there are studies to show that the effectiveness of the vaccine and those who have receive booster doses looks like 50-80% pa rin ang effectiveness especially against severe, critical covid infection so we cross fingers more studies will support this” ani DOH Sec. Francisco Duque III.

Ayon sa pangulo, nababahala siya sa posibleng pagkalat ng Omicron variant dahil sa paubos na pondo ng pamahalaan.

“Medyo natatakot lang ako, you know somehow kinakabahan ako kasi let me be frank to public depleted na yung pera ng Pilipinas, even coping up the expenses to the typhoon victims,pinagano na, winalis na kung ano pa ang matira, ubusin na lang” ani Pres. Rodrigo Duterte.

Ayon naman kay Vaccine Czar Carlito Galvez Junior, kailangang paghandaan pa rin ang posibleng banta ng Omicron variant. Kaya naman kailangan aniya na pabilisin ang pagbibigay ng booster shots.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: