Mga 18-anyos pataas, pwede nang magpabakuna ng 2nd COVID-19 booster shot

by Radyo La Verdad | April 19, 2023 (Wednesday) | 5140

METRO MANILA – Maaari nang magpabakuna ng pangalawang COVID-19 booster shot, ang general population 18 years old pataas.

Ito ay matapos pirmahan ng Department of Health (DOH) ang guidelines para rito.

Kabilang sa mga maaaring makatanggap ng karagdagang proteksyon ay mga buntis, lactating women o nagpapasuso at immunocompromised.

Nakatakdang nang ipamahagi ngDOH ang guidelines na ipatutupad ng mga lokal na pamahalaan.

Tags: ,