Pagpapadala ng skilled at semi-skilled Filipino workers sa Kuwait, pahihintulutan na – Malacañang

by Radyo La Verdad | May 16, 2018 (Wednesday) | 2547

Magpapatupad na ng partial lifting sa deployment ban ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait ang Pilipinas.

Ang naturang hakbang ay kasunod ng paglagda ng dalawang bansa sa memorandum of agreement (MOA) of the protection of OFW’s.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sakop nito ang mga skilled at semi-skilled workers habang mananatili ang ban sa mga domestic helper.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Harry Roque, tuluyang babawiin ang deployment ban ng domestic workers sa naturang Gulf state oras na matiyak ang reporma sa recruitment process ng naturang bansa.

Tags: , ,