Wala pang ibinibigay na pormal na direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagpapaalis sa United States forces na nasa Mindanao region.
Nilinaw din ng Malakanyang na ang tanging dahilan ng pahayag ng pangulo ay upang protektahan ang mga Amerikanong sundalo sa nakaambang panganib sa rehiyon dulot ng extremist groups.
Binigyang diin pa kay Presidential Spokesman Ernesto Abella wala pang direktang epekto ito sa Visiting Forces Agreement at Edhanced Defense Cooperation Areement o EDCA.
Natatangap na formal request ang amerika para sa pagwi-withdraw ng US special forces sa Mindanao.
Ayon kay US State Department Spokesman John Kirby, bagama’t nakarating na sa kanila ang naging pahayag ni President Duterte ay hindi pa sila nakakakuha ng official communication mula sa Pilipinas sa bagay na ito.
Tiniyak naman ni Kirby na mananatiling committed ang Amerika sa pakikipag-alyasa nito sa Pilipinas.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: Malakanyang, Pagpapaalis sa US Forces sa Mindanao, walang epekto sa VFA at EDCA