Pagpabor ng arbitral ruling sa Pilipinas sa South China Sea Dispute, posibleng hindi maisama sa code of conduct – Malacañang

by Radyo La Verdad | November 17, 2017 (Friday) | 4225

July 12, 2016 nang magdesisyon ang United Nations Arbitral Tribunal pabor sa claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Pero ayon sa naging pahayag kahapon ni Presidential Spokesperson Attorney Harry Roque, posibleng hindi maisama sa bubuoing code of conduct sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea ang pagpabor ng arbitral ruling sa Pilipinas.

Dahil ito ay sumasaklaw lamang ang desisyon sa pagitan ng Pilipinas at China at hindi sa lahat ng claimant countries sa South China Sea.

Samantala, tiniyak naman ng Malakanyang na magiging “legally binding” sa mga claimant countries ang bubuuing code of conduct.

Dagdag pa nito, sinabi rin mismo ni Pangulong Duterte na dapat mapagkasunduan ng lahat ng mga bansang kasali sa code of conduct ang bubuoing mga panuntunan.

Bukod sa Pilipinas at China, kasama rin sa mga bansang umaangkin sa South China Sea ang Brunei, Malaysia, Indonesia at Vietnam.

 

( Joan Nano / UNTV Correspondent )

Tags: , ,