Paglutas sa agawan ng teritoryo sa West Phl Sea, dapat ituloy ng susunod na administrasyon – Malacañang

by Radyo La Verdad | February 18, 2016 (Thursday) | 2855

EDWIN-LACIERDA
Bineperipika pa ng Malakanyang ang ulat na naglagay ng missile ang China sa isang isla sa West Philippine Sea.

Naniniwala ang Malakanyang, na dapat ipagpatuloy ng susunod na lider ng bansa ang mga hakbang ng administrasyong aquino upang maipaglaban ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Inaasahang sa 2nd Quarter pa ng 2016 lalabas ang ruling ng Permanent Court of Arbitration sa kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng isyu ng agawang ng teritoryo sa West Philippine Sea.

(Nel Maribojoc/UNTV News)

Tags: