Pagluluwag sa MECQ sa NCR Plus, masyado pang maaga – HPAAC

by Erika Endraca | April 13, 2021 (Tuesday) | 1323

METRO MANILA – Masyado pang maaga para sa Health Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) na magluwag na ng community quarantine sa Greater Manila area at ilan pang mga probinsya na may mataas na kaso ng COVID-19.

Hindi pa umano handa ang health system capacity ng Pilipinas dahil punuan pa ang mga ospital na dapat ay isa sa na- resolba nang magpatupad ng ECQ ang pamahalaan.

Ayon kay Dr Lei Camiling- Alfondo ng HPAAC, sana’y pakinggan ng mga otoridad ang rekomendasyon ng medical frontliners na maisaaayos at mapaigting pa ang mga umiiral na COVID-19 response sa bansa kasabay ng pagluluwag ng mga quarantine measures.

Hindi lang aniya ang pagdadagdag ng bed capacity sa mga ospital ang paraan upang masolusyunan ang decongestion sa mga ospital.

“What were seeing now and what we are hearing from our colleagues is that the hospitals are still overflowing. You just look in your social media feed and I’m sure many of those people in the NCR have seen their friends or families, loved ones, they can’t get hospitals and they can’t get in. These experiences do not lie. We are talking about the trends, but we are talking about real-life here and our hospitals are still overwhelmed especially in the ncr. ani HPAAC Steering Committee, Member, Dr Lei Camiling- Alfonso.

Giit naman ng DOH, kung hindi nagpatupad ng ECQ sa NCR Plus mas mataas pa ang maitatalang kaso kada araw.

Tutol din ang DOH sa pahayag ng HPAAC na sayang ang 2 Linggong ECQ dahil nagluwag na muli at hindi nasolusyunan ang mga problema gaya ng hospital congestion.

“Hindi naman natin masasabi that it has gone to waste kasi unang-una wala pa tayong sukat o indications kung ano ang nangyari nitong nag-ECQ tayo. Makikita natin ang epekto in the next 10 to 14 days but let me tell you something, itong virus na ito ang kanyang pagkalat, pagdami exponential sya” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Samantala, bagaman bumaba na ang reproduction number ng NCR sa 1.24 mula sa 1.88 bago ipatupad ang ECQ.

Mataas pa rin ang case fatality rate sa bansa o dami ng nasasawi mula sa kabuoang bilang ng COVID-19 cases na nasa 2.07%.

Katumbas ito ng 200 death cases sa bawa’t 10,000 COVID-19 cases sa bansa. 100 naman sa bawa’t 5,000 kaso sa NCR kada araw.

Kaya posible pa rin umabot sa 1M ang kabuuang kaso sa bansa sa katapusan ng Abril.

Samantala, sang- ayon naman ang Octa Research Team sa pagpapatupad ng MECQ dahil hindi naman pangmatagalang solusyon ang pagpapatupad ng mas mahigpit na lockdown.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,