Paglipat ng gusali ng Senate of the Philippines sa Bonifacio Global City Taguig, aprubado na

by Radyo La Verdad | November 22, 2017 (Wednesday) | 4329

Sa botong 14-2, inaprubahan ng mga senador ang panukalang ilipat ang gusali ng Senate of the Philippines sa Bonifacio Global City, Taguig mula sa kasalukuyang inuupahan nito sa Pasay City.

Matapos ito i-sponsor sa plenaryo ni Senate Committee on Accounts Chairperson Senator Panfilo Lacson ang resolusyon kaugnay ng planong relokasyon ng gusali ng senado.

Kabilang sa pinagpipiliang lugar na mailipat ang senado sa Antipolo City. Ngunit mayorya sa mga senador ay pinili ang alok ng Bases Conversion and Development o BCDA na dalawang ektaryang lupa sa dating Navy Village sa Fort Bonifacio, Taguig City na nagkakahalaga ng 1.8 billion pesos.

Bago ang nangyaring botohan, nanawagan na si Senator Lacson na aksyunan na nila ang matagal nang plano na ito na paglilipat ng kanilang gusali.

 

Tags: , ,