METRO MANILA – Pinag-iisipan ng Department of Information and Technology (DICT) na limitahan ang bilang ng SIM card na maaring i-rehistro ng isang indibidwal.
Ito ay matapos na maka-kolekta ang mga owtoridad ng mga pre-registered SIM cards mula sa iba’t ibang raids na isinagawa nitong nakaraang buwan.
Ayon kay DICT Sec. Ivan John Uy, nasa P1B halaga ang naka-deposito sa mga e-wallets at iba pang digital currency gamit ang mga SIM card na pinaghihinalaan konektado sa iba’t ibang klase ng scam.
Samantala, patuloy ang isinasagawang review ng DICT sa Implementing Rules and Regulation (IRR) ng SIM registration act.