Paglalayag ng US Naval ship sa West Philippine sea, suportado ni Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | October 27, 2015 (Tuesday) | 1532

JERICO_PNOY
Nagpahayag ng suporta si Pangulong Benigno Aquino III sa paglalayag ng US Destroyer sa West Philippine sea.

Ito ay matapos aprubahan ni President Barrack Obama ang paglalayag ng warship ng US Navy sa loob ng 12 nautical miles ng mga artificial islands na ginawa ng China anumang oras ngayong araw.

Ayon kay Pangulong Aquino, dapat matanggap ng alin mang bansa ang pagiging balanse sa kapangyarihan ng lahat ng bansa sa buong mundo.

Nauna nang ipinahayag ng Malacanang na hindi dapat gamitin ng China ang kapangyarihan nito sa anumang bansa kundi ang makatuwirang paglalahad ng katuwiran na naayon sa international law.

Bukod dito, iginiit na din ng Estados Unidos na dapat manaig ang freedom of navigation sa mga artificial islands na itinayo ng China sa mga lugar na inaangkin nito.

Ito ay dahil hindi din kinikikilala ng amerika ang territorial claim ng China sa West Philippine Sea.

Matatandaang noong buwan ng Mayo, binigyan ng babala ng Chinese Navy ang mga crew ng U.S. P8-A Poseidon Surveillance Aircraft dahil sa pagdaan nito malapit sa artificial islands na ginawa ng China.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , ,