Paglalabas ng uniform class suspension policy para sa Metro Manila, ipinanawagan ng grupo ng mga guro

by Radyo La Verdad | June 26, 2019 (Wednesday) | 42918

METRO MANILA, Philippines – Magdamagang mga pag-ulan ang naranasan sa ilang bahagi ng Metro Manila sa mga nakalipas na araw, pero ang ilang mga estudyante dismayado dahil walang idineklarang class suspension sa kanilang mga lugar.

Dahil dito nanawagan ang Quezon City Public School Teachers Association sa Metro Manila Council na maglabas na ng uniform class suspension policy para sa NCR.

Noong 2018, napagkasunduan ng council na bumuo ng class suspension policy pero ayon kay Metropolitan Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia wala pang inilalabas na polisiya ang Metro Manila Council hinggil dito. 

 ‘Yung mga teachers at student talaga ay nag-aabang ng class suspension pero walang nangyaring class suspension. Marami doon sa mga bahagi ng, partikular sa Quezon City, Malabon, Navotas ang binaha. Pero tuloy pa rin ‘yung klase. Ang kalagayan sa loob ng paaralan ay konti ‘yung mga estudyante natin na pumasok dahil hindi kinaya na suongin ‘yung baha.” Ani Ruby Bernardo, Vice President, ACT-QCPSTA.

Inirekomenda ng grupo na bigyan ng kapangyarihan ang mga kapitan ng Barangay na magdeklara ng class suspension.

“Pwedeng magkaroon ng guidelines hinggil doon sa uniform class suspension, pero bigyan pa rin sana ng kapangyarihan ‘yung mga Barangay captain dahil sila ‘yung malapit sa communities kung saan bumabaha.” Dagdag ni Ruby Bernardo. 

Batay sa guidelines ng Department of Education, otomatikong suspendido na ang klase sa mga lugar na may storm warning signals.  \

Kapag nakataas ang signal number one walang pasok ang pre shool hanggang kindergarten, pre school hanggang senior high school naman kung nakataas at signal number 2 at walang pasok sa lahat ng antas kung signal number 3 na.

Ang idedeklarang babala ng panahon ng PAGASA sa oras na 10 p.m at 4:30 am ng susunod na araw ay magiging batayan sa class suspension.

Ayon sa Department of Education, kung walang anumang storm warning signal pero malakas ang pag-ulan, dapat nang magpasya ang local government units kung sususpindihin ang klase sa mga apektadong lugar. 

Dapat magdeklara ng class suspension ang lgus bago o dakong 4:30 AM. Para naman sa kanselasyon ng klase sa hapon, dapat ideklara ito bago o dakong 11 a.m. 

(April Cenedoza | UNTV News)

Tags: , ,

Pinakamahabang araw ngayong taon, mararanasan ngayong araw – PAGASA

by Radyo La Verdad | June 21, 2024 (Friday) | 11565

METRO MANILA – Inianunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mararanasan ngayong araw ang summer Solstice.

Ito ay isang uri ng astronomical event kung saan mararanasan ang pinakamahabang araw at pinaka-maiksing gabi.

Gayunman magkakaiba ang duration ng daylight sa iba’t ibang lugar buong mundo.

Gaya sa Metro Manila, ayon sa PAGASA nagsimulang sumikat ang araw kaninang 5:28am at lulubog ng 6:27pm.

Nangangahulugan ito na tatagal ng 13 oras ang daylight o ang liwanag ng araw.



Tags: ,

Panahon ng tag-ulan opisyal nang nagsimula – PAGASA

by Radyo La Verdad | May 30, 2024 (Thursday) | 14026

METRO MANILA – Inianunsyo na ng PAGASA ang pormal na pagsisimula ng panahon ng tag-ulan sa bansa.

Ayon sa PAGASA, bunsod ng mga naranasang kalat-kalat na mga pag-ulan sa mga nakalipas na araw, dagdag pa ang pagpasok ng bagyong Aghon at pag-iral ng habagat partikular na sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas ay palatandaan na ito ng opisyal na pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Gayunman, asahan pa rin anila na may mga araw na hindi magkaroon ng mga pag-ulan o ang tinatawag na monsoon breaks.

Tags: ,

13 hanggang 16 na bagyo, posibleng pumasok sa bansa ngayong 2024 – PAGASA

by Radyo La Verdad | May 17, 2024 (Friday) | 16747

METRO MANILA – Inihayag ng State Weather Bureau PAGASA na nasa transition period na ang bansa sa tag-ulan o rainy season.

Dahil dito, inaasahan na sa darating na mga araw na mas magiging madalas na ang mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Climate Monitoring and Prediction Section Chief ng PAGASA na si Ana Liza Solis,  posibleng sa 3rd quarter ng taon papasok ang La Niña kasabay ng kasagsagan ng hanging habagat o southwest monsoon.

Kaya posibleng mararanasan ang malalakas na mga pag-ulan hanggang Disyembre.

Tags: ,

More News