Paglagda sa mga patakaran ng Expanded Maternity Leave Law, pinuri ng Malacañang

by Radyo La Verdad | May 3, 2019 (Friday) | 4496

MALACAÑANG, Philippines – Pinuri ng Malacañang ang pagkakalagda sa mga patakaran o Implementing Rules and Regulations sa Expanded Maternity Leave Law.

Ayon sa Palasyo, nangangahulugan ito ng pagsusulong ng kapakanan ng kababaihan sa sektor ng paggawa gayundin sa kanilang mga asawa.

“Uy! That means for you ladies, it will add more benefits to your present benefits. Imagine 105 days, that means you will have more time with your family, quality time. And that means also your health will be protected, because you will not be forced to work immediately after giving birth. And also the husbands, ‘di ba mayroon pa silang extended—parang 15, magiging 15 days na, so makakabuti sa pamilya iyon,” pahayag ni Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel, Salvador Panelo.

Tags: , ,