Paglagda ni Pangulong Duterte sa Bangsamoro Organic Law, inaabangan na ng ilang residente ng Marawi

by Radyo La Verdad | July 24, 2018 (Tuesday) | 27019

Hindi raw makakalimutan ng mga residente ng Marawi City ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay dahil niratipikahan ng Senado ang Bangsamoro Organic Law ilang oras bago ang SONA ng Pangulo.

Bagaman hindi pa ito naratipikahan sa Kamara, tiwala pa rin ang ilang residente ng Marawi na maisasabatas ito. Lalo’t ang Pangulo na mismo ang nagsabi na lalagdaan niya ito matapos rebyuhin sa loob ng 48 oras.

Una nang ipinaliwanag ng Pangulo na nais nyang maipasa ang Bangsamoro Organic Law ngayong taon bilang pagtupad sa kaniyang pangakong kapayapaan sa mga taga Mindanao.

Pakiusap ng mga taga Marawi sa pamahalaan, siguraduhing mga tapat at mapagkakatiwalang opisyal ang ang mamumuno sa kanila upang maiwasan ang anomang korapsyon.

Samantala, wala namang inilagay na public viewing ang Lanao del Sur at Marawi City government dulot narin ng sama ng panahon.

 

( Raymond Octobre / UNTV Correspondent )

Tags: , ,