Paglagda ni Pangulong Aquino sa Centenarians Act 2016, idinepensa ng Malakanyang

by Radyo La Verdad | June 28, 2016 (Tuesday) | 54491

COLOMA
Ilang linggo bago bumaba sa pwesto si Pangulong Benigno Aquino The Third.

Inaprubahan niya bilang ganap na batas ang kontrobersyal na Centenarians Act.

Sa ilalim ng bagong batas, makatatanggap ng 100,000 pesos cash gift ang mga Centenarian bukod sa matatanggap na plaque of recognition at dagdag pa ng cash gift mula sa kanilang mga siyudad.

Matatandaan na noong 2013 vineto ni pangulong aquino ang unang bersyon ng centenarians bill na umani naman ng batikos sa ilang mga grupo.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, sa Centenarians Act of 2016, wala na dito ang probisyon na pagbibigay ng 75 percent vat exemption na naging dahilan kaya ito naging ganap na batas noong 15th Congress.

Sa veto message ng pangulo noong 2013, malaki ang magiging epekto sa business sector kung maaprubahan ang malaking vat exemption na ito sa Centenarians.

Tags: , ,