Paglaban sa Transnational Crime, sentro ng usapan sa ASEAN Ministerial Meeting

by Radyo La Verdad | September 19, 2017 (Tuesday) | 2728

Pagsugbo sa transnational crime ang sentro ng pagtitipon sa bansa ng mga lider at opisyal na kasapi sa Association of Southeast Asian Nation. Ang transnational crime ay mga krimen na may malawak na sakop na umaabot sa iba’t-ibang mga bansa.

Isa sa highlight ng event kanina ay ang Second Special ASEAN Ministerial Meeting on the Rise of Radicalization and Violent Extremism. Ang violent extremism ay mga ideyolohiya na nakasasama sa maraming tao. halimbawa ng violent extremism ay ang ginagawa ng mga teroristang Maute group sa Marawi.

Magpapalitan ng impormasyon ang mga ASEAN Ministers sa mga naging karanasan, pananaw, ideya at mga pamamaraan upang malunasan ang isyu ng violent extremism.

Aktibo ang Pilipinas sa pagtataguyod ng mga pamamaraan kung paano lalabanan ang transnational crime. Kabilang sa mga itinuturing na transnational crime ay ang terorismo, illegal drugs, human trafficking, arms smuggling, money laundering, cybercrime at iba pa.

Bukod sa mga bansa na myembro ng ASEAN, kasama rin upang makilahok ang mga minister at officials mula sa China, Japan at South Korea.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,