Paglaban sa diskriminasyon at pagtutulungan, ipinanawagan ni PBBM

by Radyo La Verdad | April 10, 2023 (Monday) | 3311

METRO MANILA – Ginunita ng bansa nitong Linggo, April 9 ang “Araw ng Kagitingan”.

Kasabay ng selebrasyon nanawagan si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior sa mga Pilipino na manindigan laban sa diskriminasyon, bilang pag-ala-ala sa legasiya ng mga bayani ng ating bansa.

Pinananawagan din ng pangulo ang pag-abot sa mga nangangailangan at pagtutulong-tulong para sa magandang kinabukasan.

Umaasa si PBBM na matututo ang mga Pilipino na gumawa ng mga desisyon na tutugon sa mga kinakaharap na problema ng bansa.

Sa paggunita natin ng mga sakripisyo ng ating mga bayani na lumaban para sa ating kalayaan, dapat aniya nating isipin na ang mga ginagawa natin sa kasalukuyan ay siyang tutukoy sa magiging kinabuksan ng bansa at ng mga susunod na henerasyon.

Tags: ,