Pagkuha ng dayuhang abogado para sa pagharap ng Philippine delegation sa Arbitral Tribunal, idinepensa ng Malakanyang

by Radyo La Verdad | July 8, 2015 (Wednesday) | 1406

ARBITRAL TRIBUNAL
Binatikos ng Malakanyang si Attorney Harry Roque dahil sa pagkwestyon nito sa pagkuha ng pamahalaan ng dayuhang Chief Counsel sa pagharap sa Arbitral Tribunal sa The Hague.

Kabilang sa mga foreign counsel na magpi-prisinta ng argumento ng Pilipinas ay sina:

• Paul S. Reichler at Lawrence H. Martin mula sa law firm na Foley Hoag LLP
• Professor Bernard h. Oxman mula sa University of Miami School of Law
• Professor Philippe Sands QC mula Matrix Chambers, London, United Kingdom
• at Professor Alan Boyle mula sa Essex Court Chambers, London, United Kingdom

Paliwanag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kailangan ng Pilipinas ng isang abogado na bihasa na humarap sa International Tribunal.

Ayon pa sa Malakanyang hindi na rin dapat kinukwestyon o tinatawaran ang suporta ng mga opisyal ng pamahalaan na pumunta sa The Netherlands para sa pinaglalaban ng ating bansa.

Sinabi ng Malakanyang na kahapon ay sinimulan nang ipirisinta ng delegasyon ng Pilipinas ang posisyon ng bansa sa West Philippine Sea issue.

Ngayong araw ay ipinagpatuloy ang unang round ng paglalatag ng argumento ng Pilipinas sa arbitral tribunal.

Tags: ,