Pagkuha ng 5,000 cash assistance para sa mga na-istranded na OFW sa NAIA, tatagal hanggang bukas

by Radyo La Verdad | August 23, 2018 (Thursday) | 2690

Muling ipinaalala ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magbibigay ang pamahalaan ng limang libong pisong cash assistance para sa lahat ng mga overseas Filipino workers (OFW) na na-istranded sa Ninoy Aquino International Airport.

Kaugnay ito ng nangyaring pagsadsad ng Xiamen aircraft sa runway ng NAIA na nagdulot ng pagka-kansela ng higit isang daang international at domestic flights.

Nagsimula ang pamamahagi ng DFA ng cash kahapon at tatagal hanggang bukas ng alas singko ng hapon.

Ang lahat ng mga OFW na nais na mag-claim ng limang libong pisong ayuda ay maaring magtungo sa tanggapan ng DFA Migrant Workers Affairs sa Roxas Boulevard Pasay City.

 

Tags: , ,