Pagkapanalo ni BBM, ‘second chance’ para sa Marcos family – Sen. Imee Marcos                                                                     

by Radyo La Verdad | May 26, 2022 (Thursday) | 9576

Lubos ang pasasalamat ni Sen. Imee Marcos sa suportang nakukuha nila kasunod ng pagkapanalo ng kapatid na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang susunod na Pangulo ng bansa.

Ayon sa senadora, ito na ang pagkakataon nilang maipakita na karapat-dapat silang muling pagkatiwaalaan sa pagsisilbi sa taumbayan.

“We are very very grateful for a second chance as it were dahil medyo mabigat ang pinagdaanan ng aming pamilya talagang matapos ang 1986, kung ano anong kaso ang hinarap namin, kung anong pangungutya at pang-aapi”, ani Sen. Imee Marcos.

Dagdag pa niya, hindi naging madaling desisyon na muling sumabak sa pulitika si BBM matapos ang aniya’y traumatic na pagkatalo sa 2016 vice presidential elections.

At sa napipintong pag-upo bilang susunod na Pangulo ng nakababatang kapatid, magsisilbi siyang tagapamagitan ng malakanyang sa senado.

“Sapat na iyong maging super ate sa senado, ok na iyon… malaking bagay na iyon at malaking trabaho na iyon”, dagdag ni Sen. Imee Marcos.

Dumalo rin sa proklamasyon si former first lady Imelda Romualdez-Marcos.

Kwento ni Sen. Imee, tila nawala ang sakit at biglang sumigla ang kanilang nobenta’y dos (92) anyos na ina sa pagkapanalo ni Bongbong.

Samantala, ayon kay Atty. Vic Rodriguez, ngayong araw naman ay nakatakdang harapin ni Marcos Jr. ang ilang kilalang personalidad para sa binubuong gabinete.

Layon aniya ni BBM na mapagbuklod at magkaisa ang lahat anoman ang political color.

“And I think and you will agree with me that that is a good start towards the unification process, the healing process. What he’s offering is his unifying brand of his leadership. He’s now President-elect, he’s been proclaimed by the joint houses of congress. And he will be president of all Filipinos, he’ll be President of every Filipinos”, ayon kay Atty. Vic Rodriguez, Spokesperson, President-elect Marcos Jr.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , , , ,