Pagkamatay ng SAF 44 di nawalan ng saysay – PNP OIC Espina

by dennis | April 6, 2015 (Monday) | 1852
Photo grabbed from BOI's presentation during the Senate hearing on the Mamasapano incident (via gov.ph)

Photo grabbed from BOI’s presentation during the Senate hearing on the Mamasapano incident (via gov.ph)

Hindi nawalan ng saysay ang pagbubuwis ng buhay ng 44 na tauhan ng PNP Special Action Force sa ikinasang Oplan Exodus.

Ayon kay PNP OIC P/ Deputy Dir. Gen. Leonardo Espina, mission accomplished ang grupo matapos kumpirmahin ng Federal Bureau of Investigation na ang Malaysian bomb expert na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan ang napatay noong Jan. 25 sa Mamasapano, Maguindanao.

Sinabi ni Espina na kahit masakit, naging makabuluhan naman umano ang pagkamatay ng 44 na SAF commandos dahil ang naging kapalit naman nito ay ang tiyak na kaligtasan ng publiko. (Lea Ilagan/UNTV Correspondent)

Tags: , , ,