Pagkamatay ng isang binatilyo sa anti-drugs operation sa Caloocan, iimbestigahan ng NBI

by Radyo La Verdad | August 21, 2017 (Monday) | 4672

Inatasan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang NBI na imbestigahan ang pagkakapatay sa binatilyong si Kian Lloyd Delos Santos sa isang anti-drugs operation sa Caloocan noong August 16.

Batay sa direktibang ibinigay ng kalihim, pinasasampahan nito ng kaso ang mga pulis na nakapatay sa 17-anyos na biktima sakaling makakalap sila ng sapat na ebidensiya.

Nag-utos na rin ng imbestigasyon sa insidente si PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Biyernes.

Batay sa ulat ng mga pulis, napatay ang binatilyo matapos makipagbarilan sa mga otoridad na nagsasagawa ng operasyon sa Libis, Quezon City.

 

Tags: , ,