Kinumpirma ng Malakanyang na tinanggal sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Interior and Local Government Secretary Ismael Mike Sueno.
Batay sa pahayag ni Presidential Spokesperson Undersecretary Ernesto Abella, dahilan ito sa kawalan na ng pagtitiwala at kumpiyansa ng pangulo kay Sec. Sueno.
Ginawa ang dismissal sa opisyal sa pagtatapos ng ika-14 na cabinet meeting ni Pangulong Duterte sa Malakanyang kahapon.
Binigyang-diin din ng malakanyang na ang desisyon na ito ng pangulo ay nagsisilbing babala sa lahat ng miyembro ng kaniyang gabinete na hindi nito kukunsintihin ang anumang hakbang nila na kaduda-duda at hindi mapapangatwiranan.
Dagdag pa ni Abella, bagaman si Sueno ang isa sa mga kumumbinsi kay Pangulong Duterte na tumakbo noong nakalipas na halalan, di ito nakapigil sa pangulo upang ipatupad ang kaniyang programa sa pamahalaan kontra katiwalian.
Tags: DILG sec. Sueno, Malakanyang