Pagiging mabuting kaanak at kaibigan ni Joanna Demafelis, inalala sa kaniyang huling burol

by Admin | March 2, 2018 (Friday) | 3224

Isa isang binalikan ng mga kaanak at kaibigan ni Joanna Demafelis ang masasayang alaala ng Pinay overseas worker sa kaniyang huling burol ngayong araw.

Sa Sabado na ang libing ni Joanna Demafelis kaya isang necrological services ang isinagawa ng kanyang mga kaanak at kaibigan kanina dito sa Sara Iloilo.

Emosyunal na inilarawan ni Joejet, ang panganay sa magkakapatid na Demafiles, ang buhay ni Joanna, ayon sa kanya isang mabait at mabuting kapatid si Joanna dahil mas pinili nito na tumigil sa pag-aaral at magtrabaho upang matulungan ang pamilya at mapaaral ang mga kapatid.

“Si Joanna, baby girl ang tawag namin sa kanya ay mabait mapagmahal maalalahanin matulingin naming kapatid dahil sa kagustuhan na matulungan ang aming amat ina na makaahon sa hirap siya naglakas loob na pumunta sa ibang bansa para magtrabaho,” sabi ni Joejet.

Ayon naman sa guro ni Joanna nong high school mabuti siyang estudyante at mabait sa kanyang mga kaibigan. Masipag din ito at laging tahimik sa loob ng klase kaya pinarangalan siya ng kanyang mga guro.

Samantala, ayon kay OWWA Chief Hans Leo Cacdac posibleng mag-ooperate na sa susunod na linggo ang command center ng DOLE kung saan lahat ng mga opisina na sakop ng DOLE ay pagsamasamahin.

Dito maaring idulog ng mga pamilya ng mga OFW ang problema ng kanilang mga kaanak sa abroad.

Tutulungan din nila na makatapos sa pag-aaral ng kapatid ni Joanna na si Joyce na tumigil noong hindi na nagpapadala si Joanna.

 

(Lalaine Moreno\UNTV Correspondent)

Tags: , ,