Pagiging kabilang ng Sinovac vaccine sa Emergency Use listing ng WHO, welcome development sa Malacañang

by Erika Endraca | June 3, 2021 (Thursday) | 2563

METRO MANILA – Welcome development sa Malacañang ang emergency use approval ng World Health Organization (WHO) sa Coronavac, ang anti-COVID-19 vaccine na likha ng chinese firm Sinovac Biotech.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ngayon hindi lang Food and Drug Administration (FDA) ng bansa ang nagsasabing ng ligtas at epektibo ang Coronavac, kundi maging ang WHO.

Naniniwala ang Malacañang na makapagpapaigting ito sa vaccine confidence sa bansa.

“Nagagalak po ako sa balitang yan dahil yan po ay siguradong makakaboost ng kumpyansa sa bakuna dahil nadagdagan po yung mga institusyon na nagsabi na ligtas at epektibo ag Sinovac na pinakamaraming ginagamit natin sa Pilipinas” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

25 Million doses ng Sinovac’s coronavac ang binili ng gobyerno ng Pilipinas.

Ang Coronavac ang pangalawang bakunang likha ng isang chinese drug maker na nakabilang sa WHO listing sa loob ng kulang 1 buwan.

Samantala, sisimulan na sa June 7 ang pagbabakuna ng mga kabilang sa Priority Group A4 o economic frontliners at Group A-5 o indigent population.

Ayon kay Vaccine Czar at National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, gagawin ang symbolic rollout sa darating na Lunes.

Ngayong buwan ng Hunyo, 4-5-Million doses ng bakuna ang target mai-administer sa buong bansa.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,