DOH, tuloy sa pagpapatupad ng health protocols kahit alisin ng WHO ang Public Health Emergency of Int’l Concern sa COVID-19

by Radyo La Verdad | January 30, 2023 (Monday) | 18741

METRO MANILA – Wala pang tiyak na deklarasyon ang World Health Organization (WHO) kung tuluyan na bang tatanggalin ang COVID-19 public emergency.

Pero sa nakaraang linggo, inihayag ng WHO ang pagkabahala nito sa tumataas na bilang ng global COVID-19 deaths.

Habang hinihintay pa ang opisyal na anunsyo ng WHO, tiniyak ng Department of Health (DOH) na ipagpapatuloy nito ang umiiral na protocol sa bansa.

At kahit alisin man ang COVID-19 bilang public health emergency, ayon sa kagawaran ay lalo pang paiigtingin ang surveillance at monitoring efforts nito upang maiwasang maibalik ang COVID-19 situation sa bansa sa kasagsagan ng pandemya.

Ayon sa kagawaran, manageable na ang COVID-19 situation sa bansa. Hindi na rin ganun kataas ang bilang ng mga pasyenteng dinadala sa ospital na mayroong severe infection.

Ganunpaman, paalala ng DOH na huwag pa ring maging kompyansa  at patuloy na mag-ingat upang hindi mahawaan ng virus.

(Gladys Toabi | UNTV News)

Tags: ,