Paghahain ng Income Tax Return sa BIR, deadline na Ngayong araw

by Erika Endraca | April 15, 2019 (Monday) | 8889

Manila, Philippines – Deadline na ngayong araw  ng paghahain ng Income Tax Return (ITR).

Kaya’t muling nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na humabol na ngayong araw ang mga tax payer dahil may kaakibat nang penalty ang magpa file ng lagpas na sa itinakdang deadline.

Sa pamamagitan ng online ay makapagbabayad at makapagpa-file na rin ng itr.

Hindi na kailangang pumila sa mga revenue districts, maliban na lamang kung kinakailangan pumunta sa BIR district office kung saan ka nasasakop para makapagpasa ng karagdagang dokumento.

Sa ngayon ay malabong magbigay ng extension ang BIR sa pagpafile ng income tax.

” Ah wala, sa history ng bir wala pang naging extension except ata halimbawa bagyo o kaya mayroong natural calamities na mangyayari sigurado baka ma-extend pero sa tanda ko sa bir wala pang nangyari na naextend yong deadline kasi ito ay mandated by law na ang deadline is april 15 every year. ” ani BIR Assistant RDO Ramon Navarro.

Samantala, hanggang 5pm ngayong araw ang pagtanggap ng ITR filing, sakaling lumagpas na rito ay magpapataw na ng kaukulang multa o dagdag singil ang BIR para sa mga late filer.

( Nel Maribojoc | Untv News)

Tags: ,