Paggawa ng matinding hakbang vs rice hoarder at smugglers, utos ni PBBM – BOC

by Radyo La Verdad | August 30, 2023 (Wednesday) | 1924

METRO MANILA – Kinumpirma ng Bureau of Customs (BOC) na inatasan sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumawa ng mas matinding hakbang laban sa mga hoarder ng bigas sa bansa.

Kasama aniya sa pinulong ni PBBM ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI), Agriculture Department at Bureau of Customs (BOC) ukol sa mga inisyatibo ng pamahalaan upang matiyak na sapat ang suplay ng bigas sa bansa.

Nag-ugat ito sa natuklasang mga naka imbak na bigas sa 3 warehouse sa Bulacan noong nakaraang Linggo.

Ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio, dadalasan na nila ang pag iinspeksyon sa mga imbakan ng bigas katulong ang DTI at DA.

Kukumpiskahin ng ahensya ang mga imported na bigas sakaling walang maipakitang kaukulang dokumento ang may-ari at operators ng warehouse.

Tags: , , ,