12 porsyento ang itinaas sa year-on-year government spending ng pamahalaan noong buwan ng Mayo. Umabot sa 292 bilyong piso ang ginastos ng pamahalaan.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, karamihan ng government disbursements ay ginamit sa mga proyektong imprastraktura at personnel services tulad ng midyear bonus sa mga government employees at mas mataas na sweldo para sa mga military at uniformed personnel.
Sa unang limang buwan ng taon, aabot na sa 1.325 trilyong piso ang ginastos ng pamahalaan.
Tiwala naman si Diokno na maaabot ng pamahalaan ang disbursement targets nito para sa ikalawang quarter ng taon na 813 bilyong piso.
Kung maaabot ng pamahalaan ang disbursement target, ibig sabihin ay nailalaan ng pamahalaan ang pondo sa dapat nitong mga paggastusan.
Tags: Diokno, Mayo 2018, P292 bilyong piso