Paggamit ng Malampaya fund, ipinanukala upang mapababa ang singil sa kuryente

by Radyo La Verdad | July 30, 2018 (Monday) | 5328

Nanganganib na muling tumaas ang singil sa kuryente kung hindi panghihimasukan ng Kongreso ang problema sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Sa pagdinig kanina ng Senate Committees on Energy at Finance, ipinanukala na gamitin na ang 204 bilyong pisong Malampaya fund na pambayad utang ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM).

Ang aplikasyon para sa pambayad utang ng PSALM sa ERC ay patuloy nakabinbin.

Dahil dito, napipilitin ang PSALM na ipasa sa mga consumer ang pambayad utang sa pamamagitan ng universal charges na makikita sa electric bill.

Mula noong 2015, 20 sentimo per kilowatt-hour ang ipinasan sa mga consumer.

Kaya naman kung aaksyon ang Kongreso upang magamit ang Malampaya fund, malaki umano ang matitipid ni Juan Dela Cruz.

 

Tags: , ,