Paggamit ng isang RFID sticker sa mga toll plaza,  posibleng maipatupad na sa Enero 2023

by Radyo La Verdad | November 25, 2022 (Friday) | 4700

METRO MANILA – Mas mapapadali na ang transaksyon ng mga motoristang dumadaan sa mga  expressway sa oras na maipatupad na ang Phase 2 ng  Toll Interoperability Project.

Ayon sa Toll Regulatory Board (TRB), sa ilalim ng Phase 2 pwede nang magamit ng mga motorista ang Easy trip RFID tag sa Auto Sweep System vice versa.

Dagdag pa ng TRB, posibleng maipatupad na ito sa January 15, 2023.

Handa naman ang San Miguel Corporation SLEX Incorporation na maipatupad ang nasabing programa.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, sinabi rin ng ahensya na magkakaroon din ng information dissemination upang maipaalam sa mga motorista na i-enroll ang kanilang RFID para sa toll interoperability.

Nanawagan naman ang mga mambabatas na mapadali ang pagpapatupad nito.

Isang panukalang batas naman ang inihain sa Kongreso na naglalayong magkaroon ng standard at Unified Electronic Toll Collection System sa expressway.

Tags: ,