Paggamit ng AI, isa sa nakikitang solusyon sa kurapsyon – BI

by Radyo La Verdad | September 28, 2023 (Thursday) | 2246

METRO MANILA – Napag-iwanan na ang Pilipinas pagdating sa modernong teknolohiya na ginagamit sa mga paliparan.

Bunsod nito sari-saring problema ang lumilitaw gaya na lamang ng mga issue ng kurapsyon, offloading ng mga pasahero at iba pa.

Ngunit tiwala ang Bureau of Immigration (BI) na kaya pang humabol ng Pilipinas sa modernong sistemang ginagamit ng ibang bansa kung maisasabatas na ang Immigration Modernization Law.

Layunin nito na mapabuti ang sistema sa paliparan, serbisyo, mga pasilidad at mabawasan ang kurapsyon.

Isa na tinitingnan ng BI ay ang pagamit ng Artificial Intelligence (AI) gaya sa ibang bansa.

Kapag automated processing na wala ng contact sa mga pasahero ang nga empleyado.

Pagdating sa seguridad gumagamit na sila ng biometric information na nakukuha sa mga pasahero dahil sa advance passanger information system.

Mula sa pagbili palang ng ticket sa airline malalaman na kung undesirable passenger ang isang tao.

Mababawasan din aniya ng hangang 50% ang mga tauhang kakailanagin sa mga paliparan.

Sa ngayon ay may kinakausap nang technology provider ang Bureau of Immigration para sa advancement of boarder control services.

Nasa 3rd reading na sa mababang kapulungan ang naturang batas pero pending pa rin sa Senado. Umaasa ang Bureau of Immigration na bago matapos ang taon hanggang sa susunod na taon ay maisasabatas na ito.

(Ryan Lacanlale | UNTV News)

Tags: ,