Pasado alas nuwebe na ng umaga kanina dumating si PDG Ronald Dela Rosa dito sa Camp Martin Delgado sa Iloilo City.
Si Dela Rosa ang pangunahing panauhing pandangal sa pagdiriwang ng ika 115th police service anniversary celebration ng Police Regional Office –Western Visayas.
Pinangunahan ni Dela Rosa ang mga pagbibigay ng parangal sa mga police, unit awards, special awards at outstanding local goverbnment agencies.
Mamayang hapon magkakaroon naman ng turn over ng motorcycles, cameras and waistcosts, unveiling of marker ng regional public safety battalion barracks, at renovated madia hall.
Makikiapg-usap rin si Dela Rosa sa Philippine Constabulary Association Incorporated, mga police retirees.
Pinuri din ni Dela Rosa ang mga pulis dahil sa mataas na bilang ng mga nahuhuli nilang drug users at pushers araw-araw.
Hinikayat din nito ang mga pulis na dagdagan pa ang kanilang pagsisikap dahil apat na buwan na lamang ang natitira sa 6 months na deadline ni Pres.Duterte para malinis ang bansa sa illegal drugs.
Ayon pa kay Dela Rosa bumaba ng 49% ang crime rate sa bansa kada araw mula ng simulant ang kampanya laban sa iligal na droga ng Administrasyong Duterte.
(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)
Tags: Pagdiriwang ng ika-115th police service anniversary, PNP Chief Dela Rosa