Nakatakdang ipagpatuloy ng Kamara sa Abril 7 hanggang 8 ang pagdinig kaugnay sa nangyaring engkwentro sa Mamasapano.
Ipinahayag ni Ad Hoc Committee on the BBL Chair Rep. Rufus Rodriguez na dalawang komite ang magtutuloy ng pagdinig at matapos nito ay sunod na tatalakayin sa Abril 20 hanggang 30 ang usapin kaugnay sa Bangsamoro Basic Law.
Kaugnay nito, umaasa si Rodriguez na mamatapos nila ang pagdinig sa BBL sa Hunyo 30 habang nanindigan ito na walang ‘unconstitutional’ na probisyon ng BBL ang makakalusot sa plenaryo.
Tags: BBL. Bangsamoro Basic Law, Mamasapano, Rufus Rodriguez