Supplementary report sa Mamasapano, pinagaaralan pa — Sen. Grace Poe

by Radyo La Verdad | February 3, 2016 (Wednesday) | 3348

POE
Pinag-aaralan pa ng Senado kung kinakailangan na magkaroon ng supplemental report sa naunang findings kaugnay sa Mamasapano incident.

Ito ang sinabi ni Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairperson Senator Grace Poe, kasunod na rin ng nakalipas na re-investigation sa insidente.

Ayon sa senadora, kumpiyansa ang komite na wala ng babaguhin sa naunang committee report na nagsasaad na responsable ang Pangulo sa misyon sa Mamasapano.

Gayunpaman, nakahanda pa rin si Poe na pag-aralan kung kailangan pa bang dagdagan ang nasabing report.

Tags: , ,