Pagdedeny sa entry ng foreign nationals na maaaring may new strain ng Coronavirus, posible na gamit ang API System ng BI

by Erika Endraca | December 29, 2020 (Tuesday) | 2818

METRO MANILA – Pinalalakas ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang border control sa Pilipinas matapos ang paglitaw ng bagong strain ng Coronavirus sa kalagitnaan ng Oktubre.

Ayon sa panayam kay BI Spokesperson Dana Sandoval sa Serbisyong Bayanihan, nakatulong sa ahensya ang pagpapasa ng Duterte administration sa Executive Order no. 122 o ang Strengthening Border Control Through The Adoption And Implementation Of The Advance Passenger Information (API) System kung saan magiging
mabilis at ligtas ang pagkakalap ng immigration officials sa information ng mga papasok na airline passengers sa bansa.

Sa kasalukuyang sistema ipinatutupad ng immigration, na maaassess pa lang ang isang foreign national ng immigration officer pagkaharap na nito ang pasahero, ngunit sa pamamagitan ng API ay makukuha na ng advance ang information ng passengers sa pamamagitan ng teknolohiya bago pa man ito sumakay ng eroplano.

Dagdag pa ni Spokesperson Sandoval, makakatipid sa oras ng mga pasahero ang bagong sistema dahil makukuha agad mula sa isang airline company ang impormasyon ng isang indibidual na maaaring maging dahilan upang isyuhan ito ng notice not to board.

Sa huli, nagpaalala ang Bureau of Immigration sa publiko na huwag nang bumiyahe palabas ng bansa kung hindi naman kinakailangan upang maiwasan panganib na dulot ng Coronavirus.

(April Jan Bustarga | La Verdad Correspondent)

Tags: ,