Pagdedeklara ng state of calamity sa Anda, Pangasinan kasunod ng fish kill, pinag-aaralan na

by Radyo La Verdad | June 7, 2018 (Thursday) | 6830

Tinatayang umabot na sa mahigit walumpu’t anim na milyong piso ang halaga ng pinsala ng fishkill sa bayan ng Anda, Pangasinan noong ika-29 ng Mayo 29 hanggang ika-1 ng Hunyo.

Pinakamalaking napinsala ang Barangay Siaper na umabot sa mahigit 43 milyong pisong halaga ng bangus ang nasira. Sunod ang Barangay Alwag na umabot sa mahigit 34 milyon at mahigit walong milyong piso naman sa bayan ng Mal-ong.

Bunsod nito, pinag-aaralan na ng lokal na pamahalaan na magdeklara ng state of calamity upang magamit nila ang 15% ng calamity fund para matulungan ang mga apektadong mangingisda.

Tinitignan na rin nila kung anong tulong ang maaaring ibigay sa mga apektado ng fish kill.

Kabilang na rin sa plano ng pamahalaang  lokal  ng Anda  ang pagpapahinto sa operation ng mga fish pen sa tatlong barangay upang bigyang daan ang rehabilitasyon dito.

 

( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )

Tags: , ,