Pagdedeklara ng martial law sa buong bansa, isa sa mga opsyon ni Pangulong Duterte laban sa mga terorista

by Radyo La Verdad | December 14, 2017 (Thursday) | 3480

Kung paiigtingin ng mga komunistang terorista ang kanilang mga pag-atake at recruitment, posibleng ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas militar, hindi lang sa Mindanao kundi maging sa buong bansa, ito ay upang hindi umano maisapanganib ang kapakanan ng taumbayan at ng bansa.

Dagdag pa ng punong ehekutibo, dedepende pa rin siya sa magiging pagtaya at rekomendasyon ng militar at pulisya hinggil sa kung ano ang sitwasyon sa grounds.

Samantala, kinumpirma na rin ng punong ehekutibo na walang mangyayaring tigil-putukan sa pagitan ng Government Security Forces at NPA ngayong holiday season.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,